Tuesday, October 24, 2023

Friends are wealth





Such an interesting tail end of last week as U was getting better. I have a few mum friends from some groups I attended when U was younger and two of them have kept in touch (not just) since we had to stop going because I started working again and he started daycare. Ang saya kasi yung isa naka biglaang hang out namin twice over the weekend, as in kasama si R and U and their trio as I well. And naka family hang din namin yung isa a few weeks ago, kaya masaya din. Pero alam naman ng lahat na ang hirap makipagkaibigan pag matanda na, idagdag mo pa na mahirap makipagkaibigan pag galing kang ibang bansa, at ipatong mo pa na ang hirap makipagkaibigan pag may nangyaring life-changing sa iyo (having a kid). A lot of thought and anxiety goes into interactions, for better or worse.

Napaisip din ako sa mga lumang friendships, both in NZ and the Philippines. Mahirap ang LDR, at magpatong ka pa ng kung anu-ano, magugulat ka na lang kung sino ang interesado pa, or sinong naiisip mo. Kasalanan ko ba? Nagkulang ba ako? Ano sa tingin ko ang pinagkulang niya?

Ngayong nandito na si U, nararamdaman ko na nauubos ang lakas at oras ko sa mga palaisapang ganito. Sana tumigil na ako at matuwa na lang sa buhay. 

No comments:

Post a Comment

Xmas Gift Launch

Broke in my Xmas gift shoes with my first walk in a long time. Hopefully this helps me keep at walking. Did the reverse of Kawakawa-Grampian...