Nakakatawa at nakakabaliw talaga once the babies start getting sick because of daycare. Una, ang hirap mag-alaga ng may sakit na baby habang may sakit. Pangalawa, hawaan lang kayo forever, back and forth, dahil wala kayong alam kahit nag-aral naman kayo ng Science nung bata kayo (o mangmang lang kayo talaga mwahaha). Siguro ito na ang definite proof na taga-New Zealand kami dahil hindi kami marunong mag-quarantine kahit muntik nang magunaw ang mundo dahil sa Covid-19. Mangmang nga.
Ang pangatlo pala ay ang constant paranoia na ikaw at ang baby mo ang nagkalat ng lagim sa mums and bubs class, daycare, o mga kaibigan mo. Tuwing nakakabalita ako na may nagkasakit, iniisip ko kaagad, "Shet kelan ko ba siya huling nakita?" o "Shucks, inubohan kaya siya ni U nung pumunta kami doon?" Parang lahat ng sakit sa mundo ay kasalanan naming mga Davis.
Nakakahiya rin kapag nakikita mong may nanay na feeling may cooties ang anak mo. Porke uhugin or laging may kulangot sa mga kuweba. Naranasan kong may nagmamadaling hinablot ang kanyang anak na babae mula sa harapan ni U nang nakumpirma niyang may lumalabas na uhog.
Yung nag-aalaga kay U at sa mga kasama niya sa at-home daycare ay dating nagturo sa South Auckland. Siguradong marami sa mga magulang dun ay di basta-bastang makapag-leave sa trabaho pag may sakit ang anak. Kaya siguro sabi ng taga-alaga kina U, basta hindi green (ibig sabihin, may infection), okay na. Hay, bless her soul.
Pero sa no. 3 talaga ako napapahamak eh! Bumalik ang rumination at insomnia! Tsk! Tsk! Tsk! HAHAHAHAHAhuhuhu!




