Walang linggong di ako nababaliw, kahit masaya naman ang may anak, in total. May post ako recently about singing him to sleep, pero hello, 10-month sleep progression, o kung ano mang gusto mong itawag sa ganun, o kung ano mang rason kung bakit di na gumagana ang harana sa kanya. Hindi naman umabot ang difficulty level sa early days, pero nakaka drain din ang gabihang emotional wrestling dahil hindi gumagana ang lahat ng nakasanayang tricks.
Sa tingin ko, ang puno't dulo ng galit niya ay dahil kakapiranggot na lang talaga ang gatas sa mga dede ko. Alam kong sinasabi ko since month three na nauubos na ang gatas ko, at heto tayo ngayon sa ikasampung buwan at pinag uusapan pa rin ang breastfeeding - which is both amazing and frustrating! Aaaggghhhh - pero, di nga, peksman, wala na ata talaga masyadong nandiyan kasi galit na galit talaga si Ulan kahit antok na antok na siya kapag sinusubukan niyang mag comfort feed. At ngayon nangangagat pa.
It makes sense na malaki na ang nabawas kasi apat na araw siyang nasa daycare so naapektuhan yung supply ng lack of demand. Despite that, sinasabi ni Russ meron pa ding lumalabas (paano niya alam? Basta!), pero siguro konti na lang talaga. Nalulungkot at nahihirapan ako tuwing sinusubukan kong ipadede si Ulan kapag bedtime na. Kung meron pa sana, madali na sana siyang makakatulog at di na siya iiyak hanggang masuka niya ang hapunan niya. Kung napapadede ko pa siya, hindi na kailangan ni Russ labhan ang bedsheet namin every day.
Feeling ko ding malaki na ang nabawas kasi parang nalulungkot uli ako, o di ako ulit makarelaks, o nahihirapan akong sumaya minsan - feeling ko nagwewean na talaga ako. Yung hormones ko out of whack: ang aga na dumating ng period ko, mga every 3 weeks, tapos low energy ako halos araw-araw. May mga gabi akong di makatulog dahil nga sa aforementioned rumination.
Hay naku. Please lang, ayaw kong tuluyan nang maging Sisa. Magpaplano pa ako ng first birthday celebration.
Ang ganda ng stage na ito sa baby, though. Sobrang daldal ni Ulan, at ang dami niyang intonations - nakakagulat minsan na ang expressive ng gibberish niya. Mana ata sakin hahaha - ask my kuya!
Ang cute cute niya ngayon grabe. Lagi kaming nagaapiran ni Russ wahahaha kasi sa ganda naming dalawa di pa rin namin akalain na napakaganda ang lalabas sa kanya! Whatever, all parents think their kids are the most beautiful. Pero sa totoo lang, masaya siyang katambay. Funny guy siya, like his dad.

No comments:
Post a Comment